Umakma siyang tatayo para sagutin ang katok sa may pintuan subalit hinatak siyang pabalik nito sa upuan at gamit ang isa niyang daliri ay senenyasang manahimik lang at baka sakaling magkusa na lang itong umalis at magsawa 'pag walang sumagot sa may pintuan. Pilit nilang pinipigilan ang pagtawa para hindi sila marinig ng kumakatok sa labas.
      Pero bigla itong nagsalita at. "Hoy friend buksan mo nga itong pinto mo, alam kong andiyan ka oy, may sasakyang nakaparada rito," sabi ng babae sa labas ng pintuan ng bahay niya.
      "Sandali si Mariel iyan," nasabi na lang niya rito."Umayos ka sa pagkakaupo mo riyan at bubuksan ko na muna ang pintuan." Sumunod naman agad ito at umayos nang upo.