pakiramdam. Ganito pala ang kasiyahan pag kasama mo ang tunay mong minamahal."
       Hindi siya umimik ngumiti lang siya habang patuloy siyang inaakbayan nito sa loob ng kanyang bahay. Hinatak pa siya palapit dito at gamit ang isa pa nitong malayang kamay ay inihilig nito ang ulo niya sa kanyang balikat. Hinayaan lang niya ito sa gusto nitong gawin. Nanatili sila sa ganoong ayos na dalawa ng mga ilang sandali. Naramdaman niyang gusto siyang yakapin nito. Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Umisod ito nang bahagya para tuluyan na siyang mayakap sa mga bisig nito na lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso niya. Bigla namang may kumatok sa pintuan niya. Kaya napigilan agad ito sa gusto sana nitong gawing pagyakap sa kanya. Nagdilat agad ito ng mata at sinulyapan siya. Napangiti na lang ito habang umiiling sa panghihinayang.