simula pa kaninang umaga.
"Napagod ka bang talaga Henry ha?" tanong niya rito sa tabi niya sa eleganteng sofa niya.
Tumango naman ito. "Di bale ikaw naman ang dahilan ng pagkapagod ko mahal," pabirong sagot nito pagkatapos ay idinipa ang mga braso niya at ipinahinga sa ibabaw ng sandalan ng sofa niya. Napansin niyang tinititigan siya nito nang tinititigan sa ganoong ayos ng pagkakaupo. Ipinikit nito ang mga mata niya. Kaya pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Ngumiti naman ito bigla nang maramdamang pinagmamasdan niya ito pagkatapos ay iniakbay ang isa nitong braso sa kanya.
"Napakaligaya ko sa buong araw na ito Alana, kung alam mo lang," sinabi nito habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Ikaw lang ang nakapagbigay sa akin ng ganitong