"Andito na tayo sa bahay mo mahal, ano bang balak mo ha?" pilyong tanong nito.
"Ikaw nga yata ang may binabalak diyan eh, pero umayos ka ha," pabirong banta niya dito. "Halika na nga sa loob nang makapagpahinga ka naman. Kanina ka pa kasi nagmamaneho eh."
"Aba gusto mo akong magpahinga sa loob ng bahay mo, gusto ko iyan," nakangising sabi nito. Lumakad naman agad sila palapit sa nakasaradong pintuan ng bahay niya at matapos niya itong susian ay agad nagbukas. Tumuloy agad sila sa loob. Nakita nito ang sofa niya, at agad itong naupo at hinintay na makalapit siya rito. At nang tuluyan na nga siyang makalapit ay agad niya itong hinatak paupo sa tabi niya. Pabiro pa itong huminga ng malalim para iparamdam nito ang pagkapagod niya sa mahaba-habang pagmamaneho niya