agad ni Henry na nagdulot rin dito ng kasiyahan. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpasya nang ihatid siya nito sa kanyang bahay na sinang-ayunan naman niya dahil gusto pa talaga niya itong makasama ng matagal sa araw na iyon. At matapos na makapag-paalam ng maayos sa lahat ay muli na siyang isinakay ni Henry sa sasakyan nito. Muling nagmaneho ito katabi niya. Napapansin niya ang kaligayahan sa mukha nito. At batid niyang siya ang nagdudulot nito rito. Para sa kanya iyon na ang pinakamaligayang araw niya sa buhay niya, kaligayahang alam niyang ito lamang ang maaring makapagbigay sa kanya. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay narating na nila ang kanyang tahanan. Agad namang binuksan nito ang sasakyan at muli na naman siyang inalalayan sa pagbaba.