HABANG tumatagal ang usapan nila ay napapansin niyang napakasaya ng pamilya ni Henry. Nakita niyang mahal na mahal ng daddy nito ang mama nito. Nakita rin niya kong gaano kahalaga para sa mga ito ang kaligayahan ng minamahal nilang anak. Naramdaman niya ang pagkagiliw ng mga ito sa kanya. At nagpasalamat siya nang tahimik. Pero mas higit siyang nagpasalamat na malaman na nagsasabi ng totoo si Henry tungkol sa pamilya nito. Napahinga siya sa kasiyahang siya ang napiling mahalin nito. Para tuloy gusto na niyang makaharap si Jonathan para masabi na niya ang mga bagay na dapat niyang sabihin dito ng tuluyan na nga siyang maging malaya, malayang suklian ng pagmamahal ang pagmamahal na iniuukol para sa kanya ni Henry. Napatawa siya ng marahan ng maunawaang naamin na niya sa sarili niya na mahal na rin niya ito. Kasiyahang napansin naman