minabuti kong makinig muna... este huwag na munang tumuloy at baka makaistorbo pa po ako," paliwanag agad nito.
        Natawa na lang ang apat sa nalamang ginagawa ng mayordoma habang nag-uusap sila. Kinausap pa ng kinausap ng magulang niya si Alana. Ikinuwento nitong nasa Amerika na pareho ang mga magulang nito kasama ang nakatatanda niyang kapatid na babae at tatlong makukulit na apo. Sinabi rin nitong wala itong balak sumunod rito kahit alam niyang gustong-gusto ng magulang nito tutal naman daw ay naroon naman ang mga pamangkin nito para pasayahin din ang mga ito. Na nagpatuwa naman agad sa kanya dahil mas makakasama pa niya ito ng matagal. Pagsasamang kinasasabikan niya at alam niyang magpapaligaya sa kanya.