mom, iyan naman talaga ang gusto kong marinig ni Alana kaya ko siya dinala rito," mabilis niyang sinabi pagkatapos ay agad sinulyapan at nginitian pa si Alana.
        "Ha anong ibig mong sabihin anak?" bahagyang nagtatakang tanong ng mommy niya sa kanya.
        "Amin na lang ho iyon ni Alana ma. Basta salamat sa magandang pagtanggap niyo ni Daddy rito sa mahal ko," pasasalamat at masayang sabi niya.
        "Miggy asan na ba iyong inuming pinapakuha ko para rito kay Alana ha?" naitanong nito kay Miggy na kanina pa nanonood sa kanila.
        Bigla namang dating at pagpasok ng nanay ng bata dala ang mga malamig na inumin para sa kanilang lahat. "Ito na po senyor, kanina ko pa talaga ito ipapasok rito kaya lang nakita kong seryosong-seryoso ang usapan niyo kaya