"Maski ako rin iha, gustong-gusto rin kita para sa anak kong ito," pagsang-ayon ng daddy niya.
        Sa tuwa niya sa narinig sa mga magulang niya ay napaakbay kaagad siya kay Alana. Napansin niyang nag-alangan at nahiya nang bahagya ito, subalit hindi niya ito pinansin bagkos ay lalo pa niyang idiniin ang pag-akbay niya rito, sinulyapan at nginitian. Kaya hinayaan na lang nito siya at ngumiti na lang din.
        Biglang bumaling ang mommy niya sa kanya at mabilis na nagsalita. "Hoy ikaw Henry ha umayos ka, ayokong lolokohin mo itong si Alana. Dapat maging katulad ka ng daddy mo. Ni minsan ay hindi ako niloko nito. Alam mo iyan. Alam na alam mo iyan."
        Agad lang siyang ngumiti na tila natuwa pa sa pagsita sa kanya sa harap ni Alana. "Mabuti naman at sinabi mo iyan