gumaan na bigla ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ngayon hindi na ako kontrabida."
         Nagtaka si Alana sa sinabi nito. Muli namang nagpatuloy sa pagsasalita ang mommy niya. "Dati rati kasi, wala ni isa mang naging girlfriend itong anak ko ang nagustuhan ko. Pakiramdam ko tuloy nagiging unfair ako, inaayawan ko sila maski wala naman akong nakikitang ginagawa nilang masama sa akin o sa anak ko. Basta ayaw ko lang sa kanila para sa anak ko. Pero ikaw iha, ngayon pa nga lang kita nakikita at nakakausap ay napakagaan na agad ng loob ko sa iyo. Gusto kita para sa anak kong si Henry. Nararamdaman kong isa kang mabuting babae at liligaya ang anak ko sa piling mo. Mahal na mahal kasi namin ito kaya ang gusto ko maging masaya siya palagi."