babaeng pupunta rito at maghihintay sa pagdating nitong anak namin. Ni minsan, wala ni isa mang babaeng dumating sa bahay namin na kasabay niya. Kaya nga laking gulat namin kanina nang makitang ibinaba ka niya sa sasakyan niya," salalaysay ng mama niya kay Alana.
"Tama iyon iha, malamang nag-aalinlangan ka pa marahil sa pagmamahal na inuukol sa iyo ng anak namin," sabi pa ng ama niya. "Pero ako na mismo ang magsasabi sa iyo, mahal ka talaga ng anak namin."
Hindi umimik si Alana bagkos ay ngumiti lang ito sa mga magulang niya. Sinulyapan naman agad niya ito nginitian at kinindatan ng pinong-pino. Matapos makitang kinindatan ng anak nito si Alana ay muling nagsalita ang mommy niya. "Alam mo iha natutuwa akong makilala ka kasi