"Medyo masyado ngang mabilis ang mga nangyayari sa inyong dalawa Henry," sabi ng mama niya. "At naniniwala akong mahal mo nga itong si Alana." Bumaling agad ito kay Alana. "Alam mo ba ihang napakarami nang naging girlfriend nitong anak ko ha?" tanong agad nito habang nakatingin rito.
         "Nasabi nga po niya sa akin."
         "Mabuti naman at pinagbigyan mo siyang sumama kaagad dito sa amin at nakita ka namin," sabi nito. "Alam mo bang sa dinami-dami ng naging girlfriend nito, ikaw lang ang nakita naming pumasok sa loob ng bakuran namin na kasabay niya. Dati kasi, basta na lang may sumusulpot ritong babae at nagpapakilalang girlfriend siya ng anak namin. At pag-uwi at nakita ito ng anak namin kinokompirma din naman nitong si Henry na girlfriend nga niya ang mga ito. Kaya lang paulit-ulit lang ng ganoon ang nangyayari, may