Chapter 10
PAGKABUKAS na pagkabukas ng pinto ay agad nakita ni Mariel si Henry na nakaupo sa may sofa niya. Tinapunan agad siya nito ng nagtatanong na tingin saka umiling na bahagyang nangingiti. Pagkatapos ay mabilis itong nagtuloy papasok at papalapit sa bisita. Tiningnan nito si Henry ng malapitan na waring gustong makasiguro. Muli naman itong bumaling sa kanya. "Anong ibig sabihin nito Alana ha? Ba't magkasama kayong dalawa," tanong agad nito. "Kilala ko 'to eh, ito iyong sinasabi ko sa iyo dati."
Narinig nitong tumawa si Henry kaya muli itong humarap sa kanya. "Hoy pogi, anong ginagawa mo rito ha?" tanong ulit nito.
Mabilis naman itong sumagot rito. "Ano pa eh di nagpapapogi," sagot nito na agad ngumisi at inilipat ang