tingin sa kanya. Napailing na lang siya sa bahagyang pagkahiya sa matalik niyang kaibigan. Napailing na lang itong muli sa sagot nito rito.
Muli na naman itong bumaling sa kanya sa likuran nito. "Hoy ikaw Alana hindi ka na ba talaga magsasalita riyan ha," tanong na naman nito. "Ikaw ha wala akong kamalay-malay sa pinagagawa mo. Pagkatapos mong lumabas ng tanghali sa bangko ay hindi ka na nagbalik. Kanina absent ka pa."
Matapos niyang muling sulyapan si Henry ay naglakas loob na siyang magpaliwanag sa matalik na kaibigan. "Nagkaproblema kasi ako at sabihin na nating nagkataon na nakita niya ako at tinulungan. Parang ganon," sabi niya. "Umupo ka na nga muna at nang makausap kitang mabuti."
"A ganoon at kailangan talaga nito ng masinsinang usapan ha," pabiro nitong sagot sa kanya. Umupo naman agad ito sa