sofang pang-isahan. Muli naman siyang tumabi sa pag-upo kay Henry. Muli pang umakmang aakbay ito pero agad niya itong inawat ng tingin. Kaagad naman itong sumunod na di mabura-bura ang ngiti sa mukha.
      "Sigi na magpaliwanag ka at nang maitindihan ko na kung ano ba talaga ang nagyayari sa inyong dalawa," dagdag pa muli nito habang tinititigan siya.
      "Ganito kasi, hindi ba lumabas ako para bumili ng pananghalian nating lahat," umpisa nito.
      "Oo nga friend, tandang-tanda ko iyan, tandang-tanda naming lahat sa bangko iyan. Pero hindi ka nagbalik pagkatapos. Nagkatuksuhan tuloy sa loob. Sabi tinakbo mo raw ang pera nila. Ipa-blotter ka raw agad namin nang mahuli ka na," natatawang pagtatapat nito sa kaibigan.