"Ha ganoon ba, tapos ikaw anong ginawa mo hindi mo man lang ba ako ipinagtanggol ha, di ba kaibigan kita," natatawang tanong agad niya.
      "Syempre pinagtanggol kita, pero alam ko namang nagbibiro lang sila," sagot nito. "Ang totoo nag-alala kaming lahat at nadagdagan pa ang pag-aalala namin nang hindi ka pa rin pumasok kaninang umaga. Kaya nga andito ako para malaman kung ano na ang nangyari sa iyo. Tapos makikita ko lang kasama mo itong si pogi rito."
      Umubo lang nang bahagya si Henry at nginitian ang dalawa tapos ay muling tumitig sa kanya na parang inuudyakan siyang magtapat sa kaibigan niya. Naintindihan naman agad niya ito kaya humarap siyang muli sa kaibigan.
      "Oy sigi ituloy mo na ang kwento mo friend at mukhang exciting 'to," udyok nito sa kanya. "Lumabas ka para bumili