ng pananghalian natin tapos..."
"Tapos nakita ko si Jonathan," pagpapatuloy niya.
"Si Jonathan... at kasali pa pala talaga iyon sa usapan," nasambit na lang nito. "Sigi tuloy mo, tuloy mo pa at nabibitin na ako."
"Nakita ko siya mula sa labas ng isang restaurant na hinahalikan ng isang magandang babae, at nakayap pa ito sa kanya," muli niyang pagpapatuloy.
"Ha talaga sabi ko nga ba hindi mapagkakatiwalaan iyon," nasabi na lang uli nito mula sa kinauupuan.
"Sabihin na lang nating nasaktan ako, at dahil diyan hindi ko na naisipang bumalik pa sa bangko at nagtuloy sa isang beach resort para mailabas ko ang sama ng loob," kaswal na pagkwekwento nito.
"Ha talaga, pero bakit sa tono ng pagkwe-kwento mo ay