parang hindi ka naman nasaktan ah, parang nagmamaganda ka lang riyan," medyo natatawang pansin nito.
      "Ikaw naman, nasaktan ako 'no umiiyak nga ako eh," pagtutuwid niya sa kaibigan. "Sa may dagat pa nga ako nag-iiyak eh. Mabuti na nga lang hindi nag-high tide sa dami nang linuha ko roon."
      "Ganoon, asan na nga ang gagong iyon nang masapok ko," pabirong sagot nito. "O sigi na maliwanag na friend, pero itong poging ito, ano naman ang kinalaman nito sa mga nangyari sa iyo at ba't andito ito pangiti-ngiti pa."
      Umubo lang uli si Henry na bahagyang natatawa sa pagsasalita ng kaibigan niya. At mabilis itong sumingit nang pasimpli. "Tapos ay nakita ko siya at nilapitan para iligtas..."
      "Ha ano, anong sinabi, iligtas, saan sa luha, sa pagkalunod