sa luha ganoon ba ha pogi?" nakakatawang hirit nito. "Hoy Alana anong ibig sabihin nito ha?"
"Wala, k'wan kasi iyan, akalain mo napagkamalan ba namang may binabalak akong gawing masama sa sobrang kalungkutan at dami ng iniluha ko sa dagat," mabilis niyang salaysay at agad na humalakhak.
"Ha !" nasabi na lang nito sa kaibigan.
"Oo ganoon nga," natatawang pagtatapos niya. "Ganoong ganoon nga ang nagyari."
"Tsk... tsk... tsk..." nasabi na lang uli nito. "Sayang wala ako doon, nakakatawa ka naman friend, nakakatawa kayong dalawa." Pero bigla rin itong natigilan at muling nagsalita. "Sandali pero hindi mo pa rin ipinapaliwanag kung ba't andito 'to. Huwag mong sabihing andito ito para iligtas ka uli. Magsabi ka na..."