"Ako na lang magtutuloy Alana," sabat alok nito sa kanya. Umiling si Alana pero nagpatuloy pa rin ito. "Andito ako, kasi mahal ko na iyang kaibigan mo."
"Ha !" malakas na nasabi nito na napanganga sa gulat sa sagot nito. "Talaga talaga Alana," mabilis na mabilis na dagdag pa nito uli.
"Oo mahal ko iyang kaibigan mo, mahal na mahal," seryoso nang sagot nito rito.
"Ang swerte mo naman friend," nasabi muli nito. "Akalain mo iyan, noong isang linggo tintukso lang kita sa kanya tapos ngayon kayo na agad."
"Hindi, nanliligaw pa lang hindi ko pa sinasagot," nakangiting sagot niya rito.
"Ganoon, hindi mo pa siya sinasagot, sa ningning ng mata mong iyan, hindi mo pa talaga siya sinasagot niyan, ha,"