pagdududa nito sa sagot niya.
"Hindi pa talaga Mariel," pagdiin niya. "Kakausapin ko muna si Jonathan, gusto ko munang magkaliwanagan at magkausap kami bago ako tuluyang magpasya."
"Tuluyang magpasya para sa inyo nito ni pogi, ganoon," tukso agad nito na halinhinan pang sinulyapan ang dalawa.
"Parang ganoon, medyo, oo," nasabi na lang niya.
"Kung ganoon mahaba-habang kwentuhan pa pala ito," excited na sabi nito sa kanya. "Sigi na ituloy ang kwento at nang malaman ko na ang buong detalye ng inyong namumuong pagmamahalan," pabirong pagdidiin pa nito.
Matapos magkatinginan sandali sila ni Henry ay agad namang ikinuwento pa niya ang iba pang mga nangyari matapos siyang awatin nito sa beach resort. Tawa lang ito nang tawa habang nakikinig sa mga kwento niya tungkol sa