kanilang dalawa. Pinapanuod lang ni Henry ang dalawang babae habang nagkwekwentuhan. Natutuwa ito dahil botong-boto ito rito. At matapos ngang makinig at maintindihan nito ang lahat ng mga kaganapan ng dalawang araw na iyon ay nagpasya na itong umalis na at magpaalam. Nagkusa naman siyang ihatid hanggang sa labasan ng gate niya. Subalit bago pa ito tuluyang makaalis gamit ang dalang sasakyang ay may sinabi ito at tinanong sa kanya na nagdulot sa kanya ng pangamba at agam-agam. Nakalayo na ang kaibigan niya pero hindi pa rin siya matinag-tinag sa kinatatayuan niya. Napahinga siya ng malalim. Sa loob ng bahay niya ay naghihintay pa rin ito sa pagpasok niya pabalik.
NAKANGITI siyang nag-aabang sa muling pagpasok nito.