Nanabik na muli na niya itong masolo at baka sakaling mayakap na niya ito sa pagkakataong iyon. Subalit pagkapasok na pagkapasok pa lang nito sa loob ay napansin agad niyang ang pag-aalala ito. Tiningnan niya itong mabuti mula sa kanyang kinauupuan. Napapatitig siya rito na at pilit na inaalam at binabasa sa mga mata nito kung ano ang nagpapabahala rito. Napansin niyang tila nalilito ito at nag-iisip nang mabuti. Kaya tumayo agad siya at sinalubong ito. Nag-aalala na rin siya. Ayaw niyang makita ito ng ganoon. Tinangka pa niya itong yakapin nang bahagya para panatagin sana ito subalit pinigilan siya nito nang marahan at senenyasan gamit ang mga mata nito na bumalik sa pagkakaupo niya. Sinunod niya ito na nagtataka at nag-aalala. Nakaupo na siya subalit patuloy pa rin itong nakatayo sa malapit at patuloy na nag-iisip. Kaya minabuti na niyang