tanungin at kausapin ito. "Ano bang iniisip mo Alana, ba't nagkakaganyan ka?" tanong niya.
      Tiningnan siya nito sandali at dahan-dahang sumagot. "Henry p-papaano kung nagkakamali lang ako?"
      "Anong ibig mong sabihin, Alana," nasambit na lang niya.
      "P-paano kung nagkakamali lang talaga ako," ulit nito na mukhang lalo pang nag-alala. "Papano kung hindi naman pala ako pinagtaksilan ni Jonathan..."
      Natigilan siya bigla sa narinig niya mula rito. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya. Wala siyang mahagilap na salita. Tumayo na lang siya at linapitan
ito at tinangkang yakapin para pakalmahin. Subalit ng yayakapin na niya ito ay bigla itong may naalala na nagpapitlag dito.