umaakyat. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagsara nito ng pintuan ng kwarto nito.
       Gumagabi na pero hindi pa rin bumababa ito. Tumayo siya mula sa matagal niyang pagkakaupo sa sofa. Tinungo niya ang kusina nito at sumilip sa loob ng refrigerator. Gamit ang dala niyang tray, mga plato at baso ay kumuha siya at naglagay ng pagkain. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang umakyat papunta sa kwarto nito. Agad siyang kumatok ng makita niya ang nakasarang pintuan nito. Tinawag niya ito at nang hindi ito sumagot ay nagkusa na itong pumasok sa loob.
Agad niya itong nakitang humihikbing nakatagilid na nakahiga sa kama nito. Nilapitan niya agad ito at kinausap nang marahan. "Bumangon ka na muna riyan at kumain, gabi na at pareho na tayong nagugutom." Subalit tiningnan lang siya nito sandali pagkatapos ay isinubsob ang ulo sa unan