niya na tila itinatago ang mukha sa kanya.
"Bumangon ka na muna riyan, huwag kang mag-alala hindi ako mangungulit, hindi kita kakausapin, kumain lang tayong magkatabi," madiin nitong sabi rito.
Sumilip ito sandali sa kanya pagkatapos ay dahan-dahang bumangon at umopo kaharap niya sa isang maliit na pabilog na misa sa loob ng kwarto niya. Pinagmasdan niya ito sandali sa harap niya. Hindi siya nagsalita. Nagsimula siyang kumain at nang mapansing hindi ito kumakain ay tinitigan niya ito. Minabuti nitong kumain na dahil hindi nito matagalan ang titig nito rito. Pareho silang tahimik na tahimik na kumin. Hindi man nila sabihin ay pareho sila ng nararamdan. Pareho silang nag-aalala na baka ang hapunang iyong ang umpisa ng huli nilang pagsasama at pagkikita. Natapos nila ang pagkain na wala ni isang salitang lumabas sa mga bibig