nila. Sinimulan niyang iligpit nang tahimik ang pinagkainan nila.
      "Ako na riyan Henry," nasabi nito.
      "Ako na lang Alana," magpahinga ka na lang at alam kong nag-aalala ka. Hindi na kumibo pa ito. Lalabas na sana siya ng kwarto ng bigla itong nagsalita habang nakatalikod rito malapit sa pintuan. "Anong plano mo, kakausapin mo ba siya..."
     "Oo bukas..." marahang sagot nitong nakatingin sa kanya malapit sa pintuan nito.
     "Dito lang ako, sasamahan kita bukas," sabi niya.
     "Huwag na Henry..." awat nito.
     "Sa baba ako matutulog, sasamahan kita bukas," sabi niya pagkatapos ay agad lumabas ng kwarto nito.
     Nanlulumong pinagmasdan siya nito habang isinasara ang