pintuan ng kwarto niya. Ilang sandali lang ay nakababa na ito.
IPINIKIT muli niya ang mga mata. Agad na tumulo ang mga luha niya. Ang mga luha niya'y para kay Henry. Ang kalungkutan niya ay para kay Henry. Patuloy na tumagas ang mga luha niya sa mga mata. Nalulungkot at natatakot na baka tuluyan nang mawala sa kanya ang lalaking minamahal na niya. Sa gitna nang pagluha niya ay naamin niya sa sarili na mahal na niya ito, mahal na mahal. At alam niyang labis siyang masasaktan kapag tuluyan na itong mawalay sa kanya. Idinilat niya ang luhaang mga mata. Sumulyap siya sa imahe ng diyos gilid ng kanyang kwarto. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. "Lord, m-masama ba ako... m-masama ba akong babae kung hihilingin ko s-sa iyo na sana