pinagtaksilan ako ni Jonathan. Natawa siya nang bahagya, subalit nang maalala na ano mang sandali ay maari nang mawala sa kanya si Henry ay muling tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Lord, sana pinagtaksilan ako ni Jonathan! malakas na hiniling at isinigaw niya sa isip niya. Kakatwa pero nagmamakaawa ako sa iyong ibigay mo sa akin ang hinihiling ko... Lord huwag mong hayaang mawala sa akin si Henry..." Lalo pang pumatak ang kanyang mga luha. Kakaiba o nakakatawa pero iyon ang panalangin niya.
TAHIMIK na nakaupo si Henry. Iniisip niya kung ano na ang mangyayari sa kanilang dalawa ni Alana. Nalulungkot siya pagkat ayaw na niyang mawala pa sa kanya ito. "Lord, sana hindi nakagkakamali si Alana, sana pinagtaksilan nga