siya nito..." Natawa rin siya sa panalangin niya subalit gaya nito naluha rin siya sa takot na baka tuluyan nang mawala ito sa piling niya. Mahal na mahal na niya ito. "Lord, masasaktan ako pag nawala siya. Ibigay mo sa akin ang hiling ko." Ipinikit niya ang kanyang mata, hinayaan niyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi nila alam pero pareho silang lumuluhang dalawa. At hindi nila alam na pareho rin ang panalangin nila. Na sana ay nagtaksil nga ang bwisit, salot, at panirang si Jonathan. "Lord sana'y nagtataksil nga si Jonathan...." sabay na panalangin ng dalawang pusong nagmamahalan. At sa pagod sa kakaisip at kakaiyak pareho silang naidlip at nakatulog. Ang pogi'y sa ibaba at ang maganda'y sa itaas.