Chapter 11

      KINAUMAGAHAN, sabay ring nagising ang dalawang parehong may kakaibang panalangin. Panalanging malamang ay hindi pa nasambit ng sinuman, maging ng isa riyan. Sabay silang bumangon sa kani-kanilang pinagpapahingahan. Tumuloy kaagad siya sa loob ng shower niya sa kanyang kwarto. At ang isa naman ay sa shower sa may baba. Sabay silang naligo, magkahiwalay nga lamang. Sabay rin nilang natapos ang paliligo, nauna nga lang magbihis si Alana dahil kinailangan pang kunin nito ang sariling damit sa loob ng