sasakyan nito na nakaparada sa loob ng bakuran niya. Bumaba na agad si Alana. Nakita agad siya nito. Pilit itong ngumiti sa kanya. At pilit rin siyang ngumiti pabalik dito. Pagkatapos ay nagkatinginan sila nang matagal. Ito na ang nagkusang maunang magsalita. "Halika na Alana, puntahan mo si Jonathan. Sasamahan kita..."
      Tumango lang siya. Hindi siya umimik dahil nakikita niya sa mga mata nito ang parehong pagmamahal at pag-alala para kanya, para sa kanilang dalawa. Bahagyang nakayuko siyang nagtuloy sa paglakad palapit sa pintuan niya. Nagbigay daan agad naman ito dahil nakaharang ito sa dinaraanan niya. Nararamdaman niyang tinititigan siya nito. Hindi na