siya naglakas-loob na tingnan pa itong muli. Pagkarating niya sa may pintuan ay dahan-dahan niya itong binuksan. Narinig niyang bumuntong-hininga ito sa likuran niya. Biglang may luhang nangilid sa mga mata niya. Nasasaktan ito sa pakiwari niya at iyon ay dahil sa kanya. Dahil sa pagmamahal nito para sa kanya. Pinigil niya ang sariling tuluyang mapaiyak dahil natatakot siyang baka patahanin siya nito... at yakapin sa mga bisig nito. Naglakas-loob siyang lumingon dito, nginitian siya nito nang bahagya. Ngumiti rin siya uli pabalik pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng pintuan niya.
Sumunod naman ito at binuksan ang sasakyan nito. Walang imik nitong binuksan ang isa pang pintuan para makapasok na siya. Hindi na ito naglakas-loob pang hawakan pa siya para alalayan sana. Pagkapasok niya ay marahan nitong isinara ang pintuan pabalik. Lumibot ito sa sasakyan