nito at pumasok na sa loob. Habang nakaupo ay napabuntong-hininga ulit ito. Nagsimula na siyang magmaneho, pagmamanehong tila papunta sa isang destinasyong magbibigay sa kanila ng ibayong kalungkutan. Nang nasa kalsada na sila ay nagtanong ito sa kanya. "Saan ba kayo magkikita na dalawa Alana." Hindi ito sumulyap man lang sa kanya.
      Nakatanaw sa kalsadang sumagot siya. "Doon din sa restaurant na nabanggit ko na sa iyo, kung saan ko siya huling nakita." Bumuntong-hininga ulit ito at nagpatuloy sa kanyang pagmamaneho. Wala ni isa man sa kanilang nangahas na magsalita uli habang patuloy nilang binabaybay ang daan patungo sa kinaroroonan ni Jonathan. Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang napag-usapang pagkitaang restaurant. Pinabagal nito ang sasakyan para maigarahe nito