ang sasakyan nang maayos sa harapan nito. Bumuntong-hininga ulit ito ng tuluyan na siyang makagarahe. Nakatungo lang ito sa kanyang manebela. Nahihirapan siyang pagmasdan ito sa ganoong ayos, sa ganoong kalungkutan. Muling nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Bigla namang lumingon sa kanya ito at napansin ang mga namumuong luha sa mga mata nito.
"Alana, huwag na lang tayong tumuloy, mahal kita at nararamdaman ko at nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo na rin ako," sabi nito ng marahan na nakatingin sa mga mata niya. "Huwag na nating alamin pa ang katotohanan. Magpakalayo-layo na lang tayo Alana, tayong dalawa lang..."
Iyon din ang gusto ng puso niya. Subalit kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang gawin kung ano ang sa tingin