niya'y tama. Ako ang nagdala ng suliraning ito, kaya dapat ko itong harapin kahit masaktan man ako... at ang minamahal ko...
      "Alana..." muling sambit nito sa kanya.
      "Bababa na ako Henry, dito ka lang,," sabi niya.
      "Sasamahan kita Alana," sagot nito sa kanya na tinitingnan siya sa mata. "Huwag kang mag-alala, lalayo ako nang bahagya kung nag-alala kang makita ka ni Jonathan na kasama ako."
      Sa tinuran nito ay agad na siyang bumaba ng sasakyan. Pagababa niya ay lumingon siya at tinanaw ang loob ng restaurant. Nanlumo siya sa nakita niya. Naroon na si Jonathan at kasama ang kaparehong babaeng nakita niyang yumakap at humalik sa pisngi nito, maging ang matangkad na foreigner ay naroon din. Naramdaman niyang nakatingin