rin si Henry sa mga ito. Nagtama ang mga tingin nilang dalawa. Parang alam na nila pareho ang mga susunod pa. Siya na ang kusang nag-iwas ng tingin dito at nagpatuloy na sa paglalakad papasok. Nararamdaman niyang sumusunod ito sa kanya. Hindi pa nakakapasok ay nakita na agad siya ni Jonathan. Kaagad itong ngumiti sa kanya at senenyasang pumasok na sa loob ng retaurant. Kahit gustohin man niya, hindi na siya pwedeng umatras pa. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay nagtuloy na sa loob. Agad namang tumayo si Jonathan para salubungin siya.
"Alana, buti't nakarating ka agad," salubong agad nito sa kanya.
"H-hi Jonathan," bati niya rito.
Magiliw na bumati rin agad ito sa kanya habang hinahatak ang isang upuan paatras para makaupo siya nang