maayos. Napansin niyang nakangiti sa kanya ang babae at ang katabi nitong foriegner. Ngumiti rin siya sa mga ito.
"My.... she's lovely Jonathan," puri agad ng babae."It's nice to finally meet you, Alana." sabi nito na hindi na naghintay pang maipakilala sa kanya.
"Yeah, she's lovely indeed Leslie..." pag-sang-ayon agad ng dayuhan.
Pagkarinig niya sa pangalang Leslie ay agad siyang nanlumo. Batid na niya ang katotohanan ang babaeng nakita niyang humahalik at yumayakap kay Jonathan ay ang ex-girlfriend nga nito. Ang babaeng nabanggit nitong umuwi sa Pilipinas para dito magpakasal sa kanyang kasintahang dayuhan. Napapikit siya ng mariin, hindi pinagbiyan ng Diyos ang kanyang taimtim at paulit-ulit na panalangin... ang palangin niyang pagtataksil ni Jonathan... Hindi ako