pinagtaksilan ni Jonathan... nagkamali ako... nagkamali ako ng akala..... isang simpling beso lang pala ang nakita ko... Nahirapan siyang huminga. Naramdaman niyang nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha. Kaya agad niyang tinatagan ang loob niya sa takot niyang mapansin siya ng mga kasama niya sa mesa. Pinilit niyang ngumiti sa dalawa pero nahihirapan siya.
"Alana, ano pang hinihintay mo, umupo ka na," natatawang sabi ni Jonathan sa kanya dahil napansin nitong nakatulalang nakatingin siya sa dalawa. Inayos niya ang sarili at umupo na sa tabi ni Jonathan kaharap ang dalawa.
Agad nitong ipinakilala kay Alana ang mga kasama. "Alana, this is Leslie at ang mapapangasawa niyang French na si Voltaire."