"Hello..." simpling bati niya sa mga ito.
"Jonathan ha, hindi mo naman sinabing ganito kaganda ang girlfriend mong ito," puri muli nito sa kanya. "Sana nakapagpaganda pa ako lalo, para may laban naman ako kahit papa'no," biro nito habang nakatingin sa kanya.
"Sobra ka naman..." nasabi lang niya at nakuha nang ngumiti ng bahagya. Pero bigla rin niyang binawi ang ngiti nang makitang umupo si Henry sa katapat na misa sa mismong harapan niya. Tiningnan siya nito. Batid na rin niya ang ang katotohahan, tahimik na napagtanto niya. Nakatingin sa kanya ang malungkot nitong mga mata. Kalungkutang siya ang may dulot. Kalungkutang dulot ng pagkakamali niya. Ako ang may kasalanan ng lahat ng kaguluhan at kalituhang ito.... Patawarin mo ako Henry.... patawarin mo ako, tahimik niyang nasambit mula sa