kinauupuan niya. Muling nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Umiwas agad siya ng tingin dito at huminga ng malalim upang mapigilan ang sariling tuluyan nang mapaluha. Pinilit niya ang sariling makinig sa usapan ng tatlo. Ngumiti siya ng ngumiti sa mga ito. Kinausap siya ni Leslie at sinagot naman agad niya ito. Inabala niya ang sarili sa pakikipag-usap sa kanila para maiwasan niya ang mga tingin sa kanya ni Henry.
        MAWAWALA ka na bang tuluyan sa akin Alana, tahimik na tanong ng puso niya. Hindi rin pinagbigyan ng Maykapal ang kahilingan at panalangin niya.... Hindi nagtaksil si Jonathan, nagkamali si Alana tahimik na napagtanto niya habang pinagmamasdan niya ang mahinahong pag-uusap ng mga ito sa kabilang misa sa harap niya. Kung nagtaksil lang sana ito, sila sana ngayon ni Alana ang magkatabi. Parang gusto niyang lumapit sa mga ito at magpakilala. Pero batid