niyang mahihirapan lang si Alana pag ginawa niya iyon. Hindi niya mapigilang makaramdam galit kahit batid niyang wala siyang karapatan. Silang dalawa ang tunay na magkarelasyon at hindi sila. Kung sana'y nauna niyang makilala ito, baka sila na ngayon ang magkasintahan. Subalit kahit anong gawin niya, hindi na niya mababago ang katotohanang may nagmamay-ari na sa babaeng minamahal niya. Napabuntong-hininga siya. Nasasaktan siyang panoorin si Alanang katabi ito. Napapansin niyang nababagabag ito sa mga tingin niya, kaya minabuti niyang umiwas na muna ng tingin dito. Pero kahit anong iwas niya sa tuwing naririnig niya itong magsalita at tumawa ay napapatingin siya rito. Napakaganda mo talaga mahal ko.... sayang at hindi ako ang katabi mo ngayon.... sayang.... sayang.... Ilang sandali pa'y napansin niyang tumayo na ang dayuhang French at ang