kasama nitong babae. Tumayo rin sina Jonathan at Alana. Narinig niyang nagpapaalam na ang dalawa kina Alana at Jonathan. Sumunod agad siya ng dahan-dahang nagtungo ang mga ito sa may pintuan. Natatakot siyang baka isama ni Jonathan si Alana. Pagkadaan ng mga ito sa may pintuan ay agad din siyang dumaan dito. Nasa labas na ang apat. Nasa labas na rin siya. Pilit iyang hinuhuli ang tingin ni Alana. Hindi niya inihiwalay ang tingin niya kay Alana. Hinintay niya nang hinintay na magtama ang kanilang mga tingin. At makalipas ang ilang sandaling kwentuhan ng apat ay nagtama na nga ang pangin nila na dalawa. Pilit niyang pinaramdam dito na gusto niya itong makausap at makasama pa. Naramdaman niya ang tahimik na pagtanggi nito sa gusto niya. Pero sa mga titig at tingin niya rito'y nagpumilit at nagsumamo siya. Nakaalis na ng taxing sinakyan ng