dayuhang French at ang mapapangasawa nito. Naiwan naman sa kalsada sina Alana at Jonathan.
       NAPANSIN ni Alana ang akmang paglapit sa kanilang dalawa ni Henry. Kinabahan siya ng todo. Natakot siya na baka magkagulo kung tuluyan itong makalapit sa kanila at magpapakilala rito. Senenyasan niya itong tumigil habang hindi nakatingin si Jonathan subalit hindi ito nagpapigil at tumuloy papalapit. Agad siyang nag-isip kung ano ang gagawin niya para maiwasan ang nagbabadyang kaguluhan sa dalawa. Humarap agad siya kay Jonathan. "Jonathan, hindi na muna kita sasamahan sa bahay mo, may aasikasuhin muna akong isang importanting bagay."
      "Sigurado ka, kung samahan na lang kaya kita," alok pa nito sa kanya.