"Huwag na kaya ko na 'tong mag-isa. Umuwi ka na muna at magkita na lang uli tayo sa susunod," pigil nito habang paminsan-minsang sumusulyap kay Henry.
      "O sigi ikaw ang bahala, magkita na lang uli tayo. Baka tawagan kita mamayang gabi," sabi nito at nagpaalam. Sumakay naman agad ito sa nakaparadang kotse nito malapit sa sinakyan nila ni Henry. Napahinga siya ng malalim ng tuluyan nang makaalis ito. Tahimik siyang nagpasalamat at naiwasan niyang magkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng dalawang lalaki. Naramdaman niyang nasa likuran niya nakatayo si Henry. Huminga muna siya nang malalim. Dahan-dahan siyang tumalikod at hinarap ito. Tiningnan agad siya nito. Nagsusumamo ang mga mata nito sa kanya.
       "Maari ba tayong mag-usap na dalawa Alana?" tanong agad nito sa kanya.