Chapter 12
HINDI makasagot si Alana. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ibinubulong ng puso niya na kausapin at pagbigyan ang kahilingan nito sa kanya. Subalit ang katotohanang mayroon siyang kasintahan ay hindi na mababago pa. Batid niyang lalo lang siyang masasaktan kapag pinagbigyan niya ito at kausapin. AT batid din niyang masasaktan lang din ito gayong wala na namang patutunguhan ang lahat. Nagkamali siya. Walang kasalanan sa kanya si Jonathan. Naging napakamaginoo at napakabuti nito sa kanya at pinagbintangan niya ito ng kasalanang hindi naman pala nito ginawa. Nakatingin pa rin ito sa mga mata niya. Waring naghihintay ng kasagutan niya sa hiling nito. Tinatagan niya ang sarili niya, kailangan niyang tibayan ang kanyang loob. Kinakailangan niyang tanggihan ang