binubulong ng kanyang puso. Muli siyang huminga nang malalim para masabi na niya ang kailangan niyang sabihin dito ng biglang...
       "Kuya...! Kuya ...!" malakas na pagtawag at sigaw ng isang bata. Magkasabay silang napalingon sa pinanggagalingan ng pagtawag. Si Miggy, humahangos itong tumatakbo papalapit sa kanilang dalawa sa may kalsada sa labas ng restaurant. Sa likuran nito'y ang ina nitong mabilis na naglalakad at humahabol rito. "Kuya Henry...! Ate Alana...!" muli nitong sigaw.
       Nagkatinginang muli ang dalawa. Ilang sandali pa'y tuluyan nang nakalapit sa kanilang dalawa ang bata. Masayang-masaya itong nakatingala at halinhinang pinagmamasdan sila. Malapad na malapad ang ngiti nito kahit na hinahabol nito ang paghinga sa mabilis nitong