pagtakbo papalapit sa kanila.
       "Miggy," bati agad ni Henry rito. Natawa siya ng bahagya sa habang pinapahid nito ang pawis ang sariling pawis dahil sa mabilis nitong pagtakbo.
       "Kuya Henry, Ate Alana, mabuti nakita ko kayong dalawa," sabi lang nito na dahan-dahan nang nawawala ang paghingal. Tuluyan na ring nakalapit ang ina nito sa kanilang tatlo.
       "Ikaw talaga na bata ka, basta ka na lang tumatakbo," medyo humihingal na saway nito rito. "Pasensya na po senyorito kung naabala kayo nitong anak kong si Miggy."
       "Okey lang iyon, masaya nga akong makita ito rito eh," nakangiting sagot nito. "Sandali ano bang ginagawa niyo ritong dalawa ha?"
       "Kwan po senyorito, maggro-grocery po sana kami para