"Ayoko," mabilis nitong sagot. "Dito lang ako." Tiningnan niya ito nang tuwid na ipinapakita ang lubos niyang pagtutol rito. "Hindi ako aalis, dito lang ako Alana."
"P-pero Henry..." nasambit nito habang nahihirapang tumingin sa kanya.
"Dito lang ako Alana," madiing ulit niya.
Hindi na nagsalita pa ito. Nanatili na lang itong nakaupo na patuloy na nag-iisip. Makalipas ang ilang sandali ay tumayo ito na waring may pupuntahan.
"Saan ka pupunta Alana," tanong niya.
"Sa itaas, sa kwarto ko..." mahinang sagot nito na malamlam ang mga mata.
"Sigi, pero dito lang ako. Hihintayin kita rito," sabi niya na nakatingin ng derecho sa mga mata nito. Umakyat ito sa hagdanan. Sinundan niya ito ng tingin habang dahan-dahang