habang pilit na pinipigil ang pagluha. "May malaking posibilidad na ang babaeng nakita ko ay dati nga niyang kasintahan. At kasama pa nito ang kanyang foreigner na boyfriend o fiancee sa mga araw na iyon."
     Kinalma niya ang kanyang sarili bago muling nagsalita. "Papano nga kung ganoon Alana..."
     "Hindi ko alam Henry," usal nito. "Hindi ko alam."
     "Mahal na mahal na kita Alana, alam mo iyan," derecho nitong pagpapaalala rito.
     Napatungo ito sa sahig, hindi malaman kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Nanahimik ito sandali pagkatapos ay tiningnan siyang mabuti. "Henry, umuwi ka na muna, kailangan kong makapag-isip, kailangan ko itong pag-isipan ng mabuti."